i am OH SO SORRY manong
Wednesday, May 13, 2009
i am OH SO SORRY manong. i really did not realize. AHHHHG. 8 pesos din yun, manong!! wag ka mag-alala, pag nagkita tayo ulet, ibabalik ko sayo yung walong piso mo. walong pisong halaga ng krudo. XD
di ba makarelate? sige, ikukwento ko.
isang malamig na umaga ng Miyerkules, naghahanap ako ng tricycle sa don antonio upang makarating sa aking review center. ayun, may isa.
"Veterans po?"
"Oo, veterans."
dahil malapit lang sa veterans ang pupuntahan ko, syempre sumakay na ko. yehey. di ako male-late. hinintay ko hanggang mapuno yung tricycle, tapos umandar na kami. pero anak ng... anong ruta to!!? lumiko agad si manong. kinabahan ako. halaa. san na ko mapapadpad? cool lang ako. pasilip-silip sa daan.. hanggang sa kinabahan na talaga ako. tapos tumigil na si manong. lumabas na yung katabi ko.
"Kuya, sa gideon's??"
"Gideon's? ayun oh. lakarin mo nalang."
tinuro nya yung daan opposite ng dapat nyang dadaanan. yes, sakto. dali-dali akong lumabas at naglakad. babay, manong. nagtataka ako kung bakit nya ako tinitigan sandali, tapos umalis din. malapit na malapit na talaga ako sa review ceneter. tapos bigla kong naalala. OH SHI-!!! HALA!! di ko nabayaran si manong!!!!!! ahhhg. kaya pala nakatitig sakin.
di mo pa sinabi na di pa pala ako nagbabayad, manong. talagang nakonsensya ako. sori talaga manong, di ko sinasadya. pag nagkita tayo ulet, talagang babayaran kita. basta, ikaw yung may pigsa/pimple sa mukha. :]