hay buhay.
Monday, October 13, 2008
isa nanamang nakakapagod na lunes ang lumipas. heto, nakaupo at di makaalis-alis sa harap ng computer. inaalala ang bawat sandali na nangyari makalipas ang ilang oras. naaalala ang kanyang kalabit na parang nangungulit.
sa bawat pasimpleng tingin, nakikita ko ang makinis niyang balat. nakakainggit. nakakainggit talaga. hindi ko man lang maikumpara ang sarili ko sa kanya. hay. naaalala ko nanaman ang aking umaga. nakatitig sa hapag-kainan, kasama ang kinakain kong matamis na cereal na 'pampasaya'. mag-isa akong kumakain sa lamesa. lagi nalang.
muli kong binuksan ang friendster at tinype ang kanyang pangalan. paglabas ng kanyang profile, anak ng tokwa! naka-private bigla. ngunit may isa akong simpleng solusyon. pinindot ang larawang saksakan ng lungkot at *bwoop*. ayun, lumabas ang sangkatutak na litrato mo. isang nakakatuwang nilalang. ngunit hindi ko hinayaang mahalina ako sa iyong mukha. oo nga pala, may napupusuan ka. ayoko nang may iniisip pa.
biglang nanlabo ang aking mga mata. may pumatak na isa, at isa pa. aba, umiiyak na pala ako. hindi nga pala maganda ang relasyon ko sa aking ina. hindi ko rin pala kinakausap ang aking kuya. nasa bataan si daddy, at nasa ibang bansa naman ang aking pinakamamahal na ate. malayo na rin pala ako sa aking mga kaibigan at medyo nahihiya akong lumapit sa kanila. at siya pa. anak ng tokwa.
nakaramdam ako ng pagod at sakit ng katawan. hindi ko akalaing ang simpleng pag jump-rope at pag-badminton kinabukasan ay nakakapagod pala. wala na ang mga luha. sinarado ko ang akin isipan at... wala na. may bukas pa, hinihintay ko ang bagong umaga. hay, buhay. --sa bawat pasimpleng tingin, nakikita ko ang makinis niyang balat. nakakainggit. nakakainggit talaga. hindi ko man lang maikumpara ang sarili ko sa kanya. hay. naaalala ko nanaman ang aking umaga. nakatitig sa hapag-kainan, kasama ang kinakain kong matamis na cereal na 'pampasaya'. mag-isa akong kumakain sa lamesa. lagi nalang.